Thursday, July 26, 2012

July 26, 2012


Mga Kodigo_07262012

Nuong nakaraang pagpupulong, naiulat na may apat (4) na tayong proyektong naitala, ang:

1.) Adopt-a-bed project sa San Juan Medical Center
2.) Busog, Lusog, Talino Feeding Program sa Pinaglabanan Elementary School
3.) Comprehensive Language Encounter (CLE) sa Pinaglabanan Elem. School
4.) Donasyon ng mahigit na 10 Wheelchair sa San Juan Medical Center

Nagmungkahi si Gov. Pepe na sana naman daw ay gumawa tayo ng proyekto kung saan lahat ng kasapi ay maaring makilahok imbes na puros donasyon lamang. Aba, magandang suhestion ito, sana lang lahat ay sangayon at tunay na sasali.

Sa ika-31 ng Hulyo, may Public Image Seminar sa PNP Multi-Purpose Hall, 6:00PM para sa Zones 7 & 8, ito ay pumumunuan ng Rotary Club ng San Juan Del Monte.

Sa ika 09 ng Augosto, nag imbita si Papa Ver ng magsasalita tungkol sa Alternative Learning System (ALS) para sa mga High School Drop-outs. Tanggap na daw ng sistemang pang edukasyon itong ALS upang makapasok ang isang bata sa Kolehiyo.

Sa ika-16 o 30 ng Augosto, inaanyayahan natin sabay ng ilan pang mga Rotary Clubs sa Zone 7 maging guest speaker si  Senador Bongbong Marcos. Hindi pa tiyak ang pag ganap ng pagpupulong na ito. Antabayanan ang susunod na balita tungkol sa paksang ito.

Mabuhay tayong lahatJ

DP Jovie

No comments:

Post a Comment