Mga Kodigo_08022012
Nung nakaraang Huwebes ika 26 ng Hulyo, sa gabi ginanap an
gating pagpupulong upang magkaroon ng pagkakataon dumalo ang mga kasapi nating
“pang gabi.” Nanduon at dumating sina Noel Rodriguez at Teddy Tan, ngunit
madami pa rin ang wala kayat 39% lang an gating attendance nung gabing iyon.
Nuon din gabing iyon, ang bago nating miyembro, si Dra. Macy
Chan ay nagtalumpati ng kanyang “Classification Talk.” Siya pala ay isang
Ophthalmologist – isang doctor sa mata – at hindi dentist ayon sa nasa Roster
of Members natin. Sandali lang nagsalita si Dok Macy ngunit mahaba at marami
ang mga miyembrong nagtanong at sinamantala ang libreng konsulta sa anumang
bagay tungkol sa mata.
Ngayon at mayroon na muli tayong kasamang doctor ay maari nang gumawa ng proyektong may
kinalaman sa mata. Maraming salamat Dok Macy at sana’y kayo’y maging isang
ganap na Rotaryo.
May sakit si Papa Ver nung nakaraang Huwebes. Sana nama’y
mabuti na ang kanyang kalagayan.
Pagkatapos ng pagpupulong, ito’y sinundan ng pagpupulong ng
mga namumuno ng San Juan Rotary Foundation.
Antabayanan ang ulat sa pagpupulong na ito.
Hindi natuloy yung ating pag bigay ng mga wheelchair para sa
Ospital ng San Juan dahil sa lakas ng ulan dulot ng bagyong si Gener. Inilipat
nalang sa lunes, ika 6 ng Augosto ang pagtanggap ni Punong Bayan Guia Gomez ang
mga alay nating wheelchair sa Ospital ng San Juan.
Mabuhay tayong lahat J
DP Jovie
No comments:
Post a Comment