Mga Kodigo_07192012
Ikalawang lingo na ng pananagalog ko sa Pinaglabanan
Bulletin. Ang ganda tignan ng Microsoft Word Document na ito habang ako’y
nagsusulat, puros pula ang underline, wrong spelling daw ako. Hehehe, hindi
lang niya alam, eto at nangangngamote sa pag tatagalog. Yun nga din ang sabi ni
Pres Jojo nung isang lingo, nahihirapan na din siya sumulat sa tagalog dahil
wala siyang English-Tagalog dictionary. Nakipag-tinginan nga kami kay DP Tony
Abola – siya kasi ang dahilan kayat sa wikang pambansa kami naguulat ng mga
sanaysay.
Ika-16 ng Hulyo, matiwasay na naumpisahan ang Busog, Lusog,
Talino (BLT) Feeding Program sa Pinaglabanan Elementary School. Alas 10 ng
umaga kami nagkita-kita nina Pres Jojo, DP Gina Sanchez, Rtn Bel Sinense, at
bagong kasapi na si Punong Barangay Ruel Sumaguingsing (mas maaga pang dumating
sina Jojo at Gina). Maayos na ang kalagayan ni Rtn Bel – marahil madalas na
siyang makakadalo sa ating linguhang pag pupulong-pulong.
Apat na pung (40) kabataan ang ating pinapakain sa
programang BLT, at ito’y magpapatuloy hanggang sa susunod na Marso 2013.
Naikunsulta din namin kay Kapitan Ruel ang pagtuturo ng
larong football sa mga kabataan ayon sa programa at adhikain ng ating speaker
na si Miguel Bermundo. Interesado si Kapitan at may lugar kung san maaring
idaos ang programang ito. Maghaharap kami’t paguusapan ang bagay na ito
mamayang hapon.
Sunod-sunod ang dating ng mga proyekto sa pamumuno ni
Pangulong Jojo. Sana’y maipagbuti natin ang mga proyekto at makumpleto ang mga
plano at alituntunin para sa taon na ito.
Mabuhay tayong lahat J
DP Jovie
No comments:
Post a Comment