Mga Kodigo_07122012
Ika 5 ng Hulyo, 2012, unang pagpupulong ng bagong taon, suot
ang berdeng barong, madaming panauhin, may apat na taga Pinaglabanan Elementary
School, may ‘guest speaker’ - si Abby Carreon ng Jollibee Foundation, sinundan
ng pirmahan ng kontrata para sa Busog, Lusog, Talino Feeding Program, at may
bago pang ‘inindak’ na ‘member’ – si Ruel Sumaguising, Punong Barangay ng
Corazon De Jesus, ano pa ang hihingiin mo? Napakagandang panimula sa RY
2012-13.
Ika 10 ng Hulyo, 2012, alas 8 ng umaga, nasa Multi-Purpose
Hall ng San Juan City Hall, kasama ko sina Pangulong Jojo, DP Nan, DP Gina, DP
Pol, mga panauhin kami ni Mayor Guia Gomez upang lagdaan ang kasunduan sa isa
pang proyekto, ang “Adopt-A-Bed Program.” Humahataw sa mga ‘projects,’ parang nagmamadali
- nais tapusin ni Pres. Jojo lahat ng plano bago mag Governor’s Visit sa
Oktubre. Marahil, sa susunod na buwan ng Nobyembre, yung BLT Program nalang ang
sisiguraduhing tapos at walang sabit hanggang sa buwan ng Marso 2013.
Ang balita ay sa Cebu daw gaganapin ang President Elect
Training Seminar (PETS) 2013, sabay ng 10 Distrito ng Rotary sa buong
Pilipinas. Ngayon ko palang narinig ang ganitong plano para sa PETS, kakaiba
talaga ngunit para ko nang nagugunitang masaya ito. Ewan ko lang kung ano ang
palagay ni PE Therese Montecer. Sana hind maging hadlang ang kanyang trabaho sa
mga takdang-araw ng PETS.
Mabuhay Tayong Lahat!
Sec./ DP Jovie
No comments:
Post a Comment