Mga Kodigo_08092012
Nakakatuwa ang nangyari nung nakaraang Huwebes, bilang unang
pagpupulong para sa buwan ng Augosto, ang dapat nating isusuot ay ang berdeng
barong, ngunit nung tatlo lang sa ating kasapi ang dumating at nagsuot nito -
sila pa yung naatasan magbayad ng multa dahil si DP Doray Giorla ang namuno sa
Recognition Time, at siya din ay hindi nakasuot ng barong. Ganun pa man,
nagawan pa din ng paraan ni DP Doray para ako’y magmulta. Salamat DP Doray, may
araw ka din.
Natuloy na din nung lunes (ika 6 ng Augosto) yung pagbibigay
natin ng sampung (10) wheelchair sa lungsod ng San Juan na ating idinaan kay Vice
Mayor Zamorra. Nagkataon lang na napuyat si Mayor Guia Gomez sa pagbabantay sa
lagay ng panahon bago ihayag na walang pasok ang mga kabataan kayat wala siya
nung araw na iyon.
Lubhang napakasungit ng panahon nitong nakalipas na mga
araw. Sana namay ang inyong mga tahanan ay hindi nasalanta ng baha.
Kasunod nitong ulat na ito ay ang mga bagay-bagay na
tinalakay sa San Juan Rotary Foundation, Inc. Kung mayroon man kayong
katanungan o nais maliwanagan ay ipagbigay alam ninyo sa inyong abang lingkod
sa bahaging ‘Secretary’s Time’ ng ating programa.
Salamat po at Mabuhay tayong lahat J
DP Jovie
No comments:
Post a Comment