Mga Kodigo_07262012
Nuong nakaraang pagpupulong, naiulat na may apat (4) na
tayong proyektong naitala, ang:
1.)
Adopt-a-bed project sa San Juan Medical Center
2.) Busog,
Lusog, Talino Feeding Program sa Pinaglabanan Elementary School
3.)
Comprehensive Language Encounter (CLE) sa Pinaglabanan Elem. School
4.) Donasyon
ng mahigit na 10 Wheelchair sa San Juan Medical Center
Nagmungkahi si Gov. Pepe na sana naman daw ay gumawa tayo ng
proyekto kung saan lahat ng kasapi ay maaring makilahok imbes na puros donasyon
lamang. Aba, magandang suhestion ito, sana lang lahat ay sangayon at tunay na
sasali.
Sa ika-31 ng Hulyo, may Public Image Seminar sa PNP
Multi-Purpose Hall, 6:00PM para sa Zones 7 & 8, ito ay pumumunuan ng Rotary
Club ng San Juan Del Monte.
Sa ika 09 ng Augosto, nag imbita si Papa Ver ng magsasalita
tungkol sa Alternative Learning System (ALS) para sa mga High School Drop-outs.
Tanggap na daw ng sistemang pang edukasyon itong ALS upang makapasok ang isang
bata sa Kolehiyo.
Sa ika-16 o 30 ng Augosto, inaanyayahan natin sabay ng ilan
pang mga Rotary Clubs sa Zone 7 maging guest speaker si Senador Bongbong Marcos. Hindi pa tiyak ang
pag ganap ng pagpupulong na ito. Antabayanan ang susunod na balita tungkol sa paksang
ito.
Mabuhay tayong lahatJ
DP Jovie